Category: Think


Think about it!

No jokes would sound laughable once you’ve heard it already

 

 

 

So why let the same pain hurt you more than twice…

 

 

 

Think about it!

Text Received: December 21, 2009

                            7: 24 PM

 

Sender: Dudes

Wala na ba talaga ang panliligaw?

Hindi ko maintindihan takbo ng mundo ngayon lalo na sa mundo ng pag-ibig/pagkakagusto ng tao sa isa’t-isa. Nakatulog ata ako ng mahimbing at napag-iwanan na ako ng panahon. Naiwan ata ako sa mundo ni Maria Clara. Napapansin ko kasi sa panahon ngayon. Basta gusto niyo yung isa’t-isa kayo na agad. Wala man lang ligawan. Walang panahon para makilala niyo pa yung isa’t-isa. Kung compatible ba kayo o kung panlabas na itsura lang yung nagustuhan niyo sa isa’t-isa sa bilis ng mga pangyayare. Wag na tayong magkaila. Una talaga natin napapansin at nagugustuhan e yung panlabas na itsura. Susunod na dun yung panloob na kalooban. Umangal nito isang malaking sinungaling. Bakit hindi ba totoo? Kahit ako aminado. Hello! Syempre una kong natitipuhan e yung meron itsura pangalawa na yung okay lang yung itsura at huli na yung ‘pwedeng-ipikit ko na lang mata ko’ na itsura. Oo. Meron akong ugaling mapanghusga pero hindi naman sa punto na nanlalait na ako at nanapak ng tao. Hindi ako plastic kaya aminado ako. E kayo? Nagmamaganda pa din ba? Hindi naman ako diyosa para maghangad ng sobrang gwapo no` pero meron naman akong itsura. E bakit ba? Lahat naman ng tao meron itsura e. Haha.

Mabalik nga sa mismong topic nito. Bakit nawawala na yung panliligaw? Dahil magastos ba? Hindi naman kelangan magastos manligaw di ba? Syempre hindi maalis yung gagastos ka talaga pero hindi naman naka-label na dapat umubos ka ng libo-libo. Hindi ba sa panliligaw mas nakikilala mo yung tao. Nababasa mo yung intensyon niya sayo. Kung gusto ka lang ba nito maikama pagkasagot mo sa kanya o dalisay talaga yung intensyon niya sayo na mahal ka niya at meron siyang respeto sa pagkababae mo. Mahirap kasi yung bigla ka na lang papasok sa isang relasyon na wala kang kaalam-alam sa karelasyon mo. Di ba? Lalo na ngayon ipagpilitan ko man na hindi. Oo. Malibog na ang mga tao. At mukhang trend na ang magpabuntis. Oo sabi nila masarap daw kasi kaya hindi napigilan. Ang inet. Ang sarap sa pakiramdam pero masarap pa kaya ang buhay kung meron ngumangawa na anak mo at hindi mo mapakaen kasi hindi ka man lang nakagraduate at walang trabaho. Hindi di ba? Mahirap. Parang ikaw na mismo naghukay sa ikakapahamak mo nandamay ka pa ng inosenteng bata pati magulang mo isinama mo pa.

Oo. Mukha akong pera. Madami kasi akong gusto sa buhay. Gusto ko magkakotse yung VOLVO o kea BMW (Charing!), magkabahay yung tipong kahit man lang meron limang palapag sa laki (Parang mall?), matour buong mundo, makatulong sa mahihirap (Ows?) Haha. Basta madami talaga. Di natin maipagkakaila na pera talaga nagpapaikot na ng mundo ngayon. Nakakamatay kapag walang pera. As in literal talaga.

Meron kasi sa akin nag-alok para magkapera. Fast money- fast earning daw. Eto naman si lokaloka e di todo interesado. Syempre nagpapakapraktikal lang naman ako no’ HALOOO! Sino ba naman ayaw magkapera. Di ba? Sa loob lang daw ng ilang buwan baka magkakotse na daw ako. Akalain niyo yun oh dib a ang galling nila mang-uto. Heto ang ekek nila: Para kasi silang networking na mala buy-sell products ng pagpapaganda. Kung ayaw mo magbenta ng produkto dahil mapride ka sa kagandahan mo at hindi mo maatim na magmukha kang tindera e di magpasok ka na lang ng miyembro kasi meron porsyento kang makukuha kada meron kang maipapasok na bagong member. Ganun kadali. Kada meron kang maipapasok e di kumikita ka na sa kanila.
Hindi lang yan meron ka din 1year guarantee na death insurance kaya kung matitigok ka sa taon na bagong sali ka aba neng! yaman mo meron 150k yung magulang mo o kung sino man buhay na makakatanggap nun. Dagdag pa dyan na kada pupunta ka dun madami kang makakakilala na tao yung mga top-grossers, kapwa estudyante din na taga-ibang eskwelahan, madaming kelots at bebots depende sa type mo, mga umaasa din na yumaman at makaraos. Mapapatunayan ko yan kasi nakapunta at naranasan ko yan nung nainvite ako. Aba! Ang ganda ng offer di ba? Syets! Yayaman ako agad dame pa benefits. Dame papable dun tas nalilibre pa yung gimik ng mga bigboss. Tatanggi ka pa ba? Pero kalaunan hindi ako sumali. Baket? At ang tanga ko naman na hindi sumali? Sinasampal na sa akin yung pwede ko ikayaman tapos aayaw pa ako?

Kung bobo tawag dun. Okay payn. Sabihin na natin mukha akong pera at atat na atat na yumaman pero hindi sa ganun paraan balak ko yumaman. Nakita ko ang side-effects nun sa mga kakilala ko. Meron iba nagbenta at nagsanla pa ng gamit para lang makasali. Mas nabubuhos nila oras nila magpunta dun para sa mga invite at malaking chance na sumali. Napabayaan nila yung pag-aaral nila. Sa pagaasam na kumita at magkapera dun umikot mundo nila. Tuluyan na silang nabulag nito. Hindi ako sumali dahil sa pride (Ehem) Okay payn. Oo. Dahil na din sa pride. Hindi ko makita sarili ko na nagtitinda ng produkto na pampaganda tulad ng gluthatione o kung anung anik-anik. Ni hindi nga ako naniniwala dun at nakalabel na nga na NO THERAPEUTIC CLAIMS tas magbebenta pa ako. Heler! As if. Nagmamaganda ako. Tsaka sa seryosong rason na hindi ko kayang maatim na makita na namomroblema yung isasali ko para makapagbayad lang ng membership fee.

Mahal para sa mga estudyante na tulad ko ang pagsali 7,300php. Takte! Yan di ba? Hikaos na nga halos magulang tas gugulangan mo pa ng ganun kalaki. Lage nilang sinasabi “basta gusto talaga meron paraan pero kapag ayaw meron dahilan” Aba! At nangongonsensya pa. Buti pa kung natatae yung pera hindi na siguro ako lalabas ng banyo. Nung nakaattend nga ako e halos mabaliw ako kakaisip lang dun. Pano magpproduce ng pera ng isang bagsakan. Ayoko mangistorbo ng tao kaya hindi ako mangungutang sabe ko sa sarili ko. Wala naman akong pwedeng isangla. Baon lang talaga makakapitan ko. Pero aabutin ng apat na buwan. E ang trend pa naman dun pabilisan kasi mauubusan ka ng maiinvite. Lalu na target nila halos estudyante dahil andun yung desire na magkapera sino bang hindi. Pinagisipan ko talaga ng mabuti. Hindi ko kaya makita yung mga downlines ko ng ganito baka mabaliw sila. Ayoko din umabot sa punto na mapahamak sila dahil sa akin. Ayoko sila pagkakitaan. Yun ang mga rason ko kaya hindi ako sumali.
Panu kung hindi sila kumita tas ako napagkakitaan ko na sila. E di parang ginamet ko lang sila na paen para magkapera ako di ba? Di kayang dalhin ng konsensya ko kapag hindi naging maganda takbo at biglang maglaho bigla ang pangarap nila. Tsaka marami pa naman ibang paraan para magkapera e. Ayokong sumugal sa mabilisan pagpapayaman katulad ng sa kanila. Swerte yung nasa itaas dahil yayaman talaga sila at malas naman nung nasa ibaba na kung meron pa silang makukuha at maisasali.

Nakakasilaw ang pera at nakakaenganyo. Mapangahas ito kaya, kaya nito bumuo at sumira ng buhay lalo na kung pera ang mundong iniikutan at iikutan mo.

“Never assume. Never expect. Never demand. 3 basic principles to which you should remember in a relationship… Love less expect less. Get hurt. Cry. Then love even more – Live by this, live through this and eventually you’ll realize that… Loving is being able to give more when you have nothing left”

Text message send by: Mikes
April 05, 2009

“Never assume – never expect…” Posible ba talaga? I mean. Kapag nagbibigay ka ba talaga ni katiting hindi ka nageexpect something in return? Madalas nga nila sinasabi na “Learn to give but never expect to have something in return” Pero ako hindi nangyayare sa akin yun. I mean kapag meron akong ginagawa hindi ko naiiwasan na magbunga man lang iyon ng maganda. Kahit pampalubag loob. Ewan ko. Hindi ko mapigilan hindi magexpect ng mga bagay-bagay. Pero hindi naman ako yung tipong naeexpect ng bongga. Tipong binigyan ko ng kendi e ang balik Cadbury. Hindi naman sa malalang takbo ng kokote ko. Minsan umaasa ako kahit man lang thank you o atleast man lang nakita ko naappreciate yung ginagwa ko para makatulong o makapagpasaya ng tao. Di ba ang sakit naman nun kung hindi man lang nabibigyan ng katumbas yung pinaghirapan mo.
Kung ang usapan ay pag-aaral:

Bakit napasok ito? Sa paaralan din naman meron tayong relasyon. Hindi lang karelasyon kung yun yung unang pumasok sa katu niyo nung nabasa niyo yung nasa ibabaw na mensahe. Oo. Meron tayong relasyon sa paaralan bilang estudyante. Kung mag-aaral ako ng mabuti hindi ba ako dapat umasa ng magkakaroon ng mataas na grado. Hindi ba ako pwedeng magdemand ng matataas na marka sa prof ko kung deserving naman ako nito. Di ba ang sakit naman kung sa kahit sa maliit na bagay hindi ka man lang narecognize sa magandang performance mo sa school? O kahit naperpek mo yung exam niyo e 60 yung grado mo. Oh anu?
Kung ang usapan ay pag-ibig;

Eto na. Dahil para naman talaga sa pagibig yung mensahe sa itaas. Hanggan kelan kaya o makakayan mo magmahal ng tao na hindi natutumbas yung pagmamahal mo? Kung ako tatanungin kapag sigurado kapag wala na talaga ako maibigay at di ko na kaya yung sakit na dinudulot niya. Suko na. Kapag tapos na magpakatanga. Siguro kapag ganun. Suicidal type kung baga na ako nun. Hindi pa naman ako umabot sa ganitong punto ng buhay ko e. At wag naman sana umabot ako sa masaklap na puntong iyon. Kaya mo ba hindi magexpect kahit kaonti? Hindi di ba? Hindi ka tao siguro kung ang sagot mo e isang malaking OO. Masakit kapag lahat ng ginawa mo hindi natutumbas kahit sa maliit na bagay. Nakakawalang gana kasi hindi man lang naappreciate ng taong pinagalayan mo yung mga ginagawa mo. Tao ka at masasaktan talaga. Minsan pa nga nauubusan ka na ng rason kung bakit nagpapakabobo ka dahil sa taong iyon na aabot sap unto kahit gaano mo kamahal siya kung hindi kayo tugma dapat na talagang pakawalan.