Ngayong taon naging aktibo ako sa mga volunteer works.

Sumali ako sa GK Project para sa nasalanta ng bagyo nung nakaraang Bagyong Ondoy. Sa RFM nagrepack ng mga pagkaen at iba pang gamit na makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo. 2days din ang nilaan ko para dito kasama ko yung ibang mga kaibigan  na willing din magvolunteer works. Sobrang fulfilling sa pakiramdam na makatulong ka sa iba. Yung tipong nararamdaman mo na lahat ng pagod at pinaghihirapan mo e makakatulong sa iba. Sa pakiramdam pa lang na yun e bawing-bawi na.

Hindi ko man plano pero parang biyaya ko din maituturing na mapadpad ako sa school nung araw na yun. Hindi ko alam pero meron pa lang medical mission na nagaganap. Ang pakay ko lang kasi dapat e asikasuhin yung sa uniform ko sa volleyball. Wala sa hinagap ko na meron palang plano si God sa akin nung araw na yun. Naging circulating facilitator ako sa mga pasyente, taga-asikaso sa kanila kung saan magpupunta at tagapanatili ng kaayusan. Nakakatuwa din kasi kahit papaano e meron akong nakilalang bagong kaibigan nung nagvolunteer ako. Si Teph, alumni siya ng school. Matanda siya ng 2 taon sa akin.