Bagyong Ondoy

Ika-26 ng Setyembre. Saberdey. Sa hindi malaman na rason e bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Sa loob ng apat na oras nilunod nito ang buong kamaynilaan at kalapit na lugar. Sa tinagal ko na dito sa Pinas ngayon lang ako nakaranas ng ganito kalalang pagbaha.

Umaga. 7AM. Karipas ako sa pagpasok kasi malalate na ako sa program sa eskwelahan. Ayos lang naman na malate ako kaso hindi lang talaga ako sanay na dumating na huli kaya karipas ako agad pagkatapos ko madampot ang jacket at bag sa lamesa. Makulimlim kaya lang ang panahon kaya sinong magaakala na delubyo ang susunod na mangyayare.

8AM. Natapos ang maiksing parada (Kung parada ang tawag sa ginawa naming. Parang umikot lang ako ng 360degrees tapos yun na yun). Umattend ng Misa tapos dumeretso na sa Gym para sa program. Habang papunta umuulan na pero keri naman.

10AM. Nasa kasagsagan na ng program. Hagalpak pa ako ng tawa sa mga sayaw tapos biglang lumakas ang unos. Nakatapos lang ako ng kaen sa Caridad (Libreng kainan) e nagwawala na ang panahon. End of the world?

11AM. Nagdeklara na hindi na tuloy ang mga susunod na programa at signal no.1 na daw. Sus! Signal no.1 lang pala e. ZOOOM! ZOOOM! Teka! Teka! Bakit ganito? Parang signal no.3 na sa lakas e. Maya-maya hanggang tuhod na yung baha. Pers taym sa buong buhay ko na makaranas ng ganito. Pero keri lang nakuha ko pang makipagtawanan sa iba kong kasamahan. Experience din eto noh!

Pero nung lumabas na kame. Nilamon ng kaba ang nararamdaman ko. SYEEEEET! Wala na kaming masakyan at ang taas na ng tubig. Meron pang nakapagsabe na hanggang LEEG na daw young baha sa Kalentong! Ohemgeeee! Masakit man aminin sa akin pero hindi ako katangkaran, cute young height ko ee malamang MALULUNOD AKO…..

Sumugal pa rin. Atapang-atao basta lang makauwe. Pagdating sa tulay ng Sta. Ana parang naging malaking parking lot. Walang gustong ipagpatuloy ang byahe ng sasakyan.

 

At NAPAKASINUNGALING NILA! HINDI NAMAN HANGGANG LEEG E LAGPAS TAO NA KAYA!

Hindi naman ako sirena para mangahas ako noh. Masaklap man hindi din ako marunong lumangoy.

Humanap pa rin ako ng ruta na makakauwe ako ng buo at humihinga pa. Sinewerte naman at hanggang tuhod lang ang ruta na binabaybay ng Boni dyip na lalabas banda sa NAMEI. Lakad dito, lakad dyan. Parang walang katapusan yung paglalakad. Parang nageexercise habang naglalakad sa tubig baha at ayoko na isipin kung anu ang nilalaman ng tubig. OWPLEASEEEE> WAG NA. Habang papalapit unti-unti tumataas ang tubig baha. Umabot sa bewang hanggang umabot sa dibdib. Kala ko katapusan ko na. Kung yung mga kotse nga e nalunod ako pa kaya. Buti na lang ng bandang nasa NAMEI na e bumaba din tubig.

Nang makarating ako ng bahay todo sabon ako ng katawan. Diring-diri ako sa sarili ko at ayoko magkasakit. Halos mapudpod ko yung sabon at maubos yung shampoo sa banyo. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas.

Naging masama man ang aking karanasan meron sa mga kababayan natin na mas malala ang sinapit. Lalo na sa mga sobrang apektadong lugar tulad ng Cainta, Marikina at Pasig. Hindi lang nawalan sila ng ari-arian kundi ang iba ay nawalan na mahal din sa buhay.