Nung unang malaman ko na maassign ako sa Lubao excited na hindi ako. Bakit? “Excited” kasi pers taym ko makakarating dun, “Hindi” kasi mag-iimpake na naman ako ng mga dadalhin. Hay! Alam niyo ba kung ganu kahirap magimpake ng gamit? As in. Lalo na madami-dami din yung dadalhin ko pagpunta dun. Pero proud ako sa sarili ko. Haha. Nakarating ako dun na instructions lang yung binigay. Haha. Hindi naman pala ako bobo sumunod ng instructions dahil nakarating ako ng buong-buo dun.

Umalis kames a Maynila sakay sa Genesis Bus papuntang Pampanga ng mga alas-9 ng umaga. Nataggalan pa kames a iskool dahil inantay pa naming magbukas yung Nursing office para sa mga forms na kelangan naming. Isang grupo din kame na nagpunta dun kaya masaya naman sa byahe. Nagkukulitan at naghaharutan. Bago mga mag-11 nakarating na kames a Pampanga mismo. Ambilis lang pala ng byahe dahil wala masyadong trapik papunta. Dahil hindi naming alam yung lugar sinabihan namin si Mamang Konduktor na ibaba kames a Sto. Tomas. Kala ko malapit lang. Nakooo! Lagpas pa pala ng San Fernando yun. Anung malay ko dib a? Kaloka. Habang nagmamasid ako sa bintana, ang Pampanga pala madalas palayan yung makikita mo. Damang probinsya mo talaga. Malayo sa itsura ng Maynila.

Aktwali! Hindi ko naman talaga pers taym makarating ng Pampanga. Pangalawang beses ko na din ata. Nung huli e nung bata pa ako meron kameng pinuntahan na libing ng kamag-anak. Pers taym ko ule ngayon medyo tumanda na ako ng bahagya. Hep! Hep! Baka isipin niyo ah nasa “Teens” pa edad ko.

Nakarating kames a lugar lagpas-11 na. Nakilala din naming yung nagmamay-ari ng apartment na titirhan namin sa loob ng limang araw. Sina Nay Loida. Ambaet nila. Itinuro agad sa amin yung kwarto para makapag-unpack na kame ng gamit dahil sa mismong araw na pagdating din namin e mamayang alas-3 lang e duty na namin dun sa ERDH na katapat lang din naman ng apartment kaya hindi na hassle.
Susyal yung kwarto naming ng mga girls (hiwalay kasi ng apartment ang mga lalaki at babae) Bakit ko nasabi? Aba syempre! Meron kameng AIRCON at TV na meron CABLE. Haha. San ka pa? Oha! Hindi tulad sa apartment ng mga boys. Anlaki din ng kama. Pinagjoin-forces naming yung dalawang kama kaya tabi-tabi kame matulog.

Sa araw din yun nakilala naming yung magiging CI namin sa loob ng tatlong araw. Mabaet siya at hindi ganun ka istrikto sa mga estudyante. Madaling pakisamahan at makulet magkwento. Inikot hinilo niya kames a ospital para kahit papaano e hindi naman kame maligaw. Nagbigay ng konting lecture tapos pinakilala sa ibang doktor at nurse dun.

SA LOOB NG DR

Wooo! Unang sabak pa lang namin nawindang kameng lahat. Ang sabi lang kasi nung una mag-oobserve lang muna kame kasi pers taym naming lahat tsaka hindi pa talaga namin alam kung pano ba talaga kapag nasa loob ka na ng DR. Halos himatayin ako nung biglang nagdecking ng magaactual, assist at cord-care. Ooow May Gesh! Halos magcollapse yung puso ko. Parang gusto ko ako na lang ang humiga at mag-labor sa narinig. “Anu daw?” litaw na litaw sa mga utak naming yung “???” Seryoso? Weh? Ganun yung nagmamarathon sa utak ko. Sookay *Hinga ng malalim* anu ba etong napasok ko. Lahat kame kabado. Lalo na ako! Wala na sa ritmo yung puso ko. Imbes na “…dog-dog-dog…” ganito maririnig mo “…doooooog-doooog-huwaaa mommy-dooooog…” Lalo na ako yung isa sa mga magaactual. Habang inaantay naming yung moment paglabas nung beybi, hindi mapigilan ng isa kong kasama na mapakapit sa braso ko habang natitig kames a lagusan ng bata. Bumubulong siya ng “Halaaaa….” Hindi ko mapigilan hindi matawa. Para na akong nasisiraan ng bait, natatawa ako na gustong maiyak sa kaba.

Dumating ang sandal na iluluwal na talaga ang beybi. Kabado ako na nagactual. Pagkalabas ng ulo ng bata hinawakan ko agad na may gabay ng midwife (Bilib ako sa kanya parang wala lang sa kanya yun. Hassler na talaga siya sa pagapapaanak.) Dahan-dahan ko hinila yung beybi. Mainit na mamasa-masa sa pakiramdam. Akala ko sa proseso ng panganganak matagal saglit lang pala ang nagpapatagal lang e yung labor process. Pagkalabas sa ulo at katawan naiclamp agad yung cord at pinutol sabay iniabot sa magaassist para siya naman magdadala sa mgalilinis sa beybi. Sobrang fulfilling sa pakiramdam nawala yung kaba na dumadaga sa puso ko nun lalo na kapag narinig mo na yung malakas na hiyaw ng beybi na susundan ng malakas na iyak.
Sa loob ng 8hours duty namin sa araw nay un nakailang cases din kame ng delivery. Sa umpisa lang pala yung kakabahan ka pero kapag pang-ilan beses na wala na yung kaba. Unti-unting nageenjoy na tsaka excited na. Lumipas ang ilang araw na duty mangilan-ngilan lang yung case dahil siguro panghapon yung duty naming. Mas marami daw kapag umaga. Pero ok na din kahit papaano meron pa rin naman. Sa ikapang-apat na duty namin dun nag-16HOURS STRAIGHT DUTY kame para sa Biyernes e makakauwe na kame. Buti na lang pwede matulog sa waiting room kapag walang manganganak. WHEW! Buti na lang kundi mababangag kame panigurado. Hahaha

(Sa loob ng dutyhours namin at kapag wala kame magawang matino sumasayaw kame sa saliw na “Nobody” ng Wondergirls para mabuhayan ng dugo at hindi abutan ng antok. Eto ang naging themesong ng aming grupo habang nasa Lubao.)