Sa lahat ng tao na mahalaga sa akin, si Pilya ang namumukod tangi na hindi ko kayang tiisin. Nakakaloko talaga. Ermats at Erpats ko nga e natitiis ko ng bonggan-bongga pero sya nakow! nawiwindang agad ako. Feeling ko nga e ginayuma kinulam ako nito ni Pilya. Haha. Hay ewan ko ba kung anun meron si Pilya at sya lang talaga sa lahat hindi ko kayang tiisin. Magtampo man ako nawawala agad. Hindi ko kayang nalulungkot o natatakot siya sa akin. Hmm siguro nga alien talaga to’ at ginamitan ako ng hypnotism. Bwahaha!