Nang mga nakalipas na araw meron gumagala na Cleppie sa paligid ng block namin. Dumadalas ang mga nawawalang ng pera. Sa hindi malamang dahilan bigla na lang naglalaho ang kanilang kayamanan na nakaimbak sa kanilang mga pitaka. Madalas ko na lang pinaaalahanan sila (ang mga nawalan) na hayaan nila na lang baka nangangailangan lang yun. Pero aba teka! Si Cleppie sumusobra naman. Abusado masyado at ginanahan. Lumagpas na sa sampu ang nawawalan. Ay! Hindi na pwedeng isantabi kapag ganyan. Nakakapersonal na ata etong si Cleppie. Sarap sunugin ng buhay. Kahit na kakarampot man lang na konsensya wala na. Nagjoin forces ang mga nawalan at isinumbong sa XXX ang mga pangyayare. Hindi naman nasayang ang kanilang utak para ipagtagpi-tagpi ang mga insidente. Kung sinu o anu ang pwedeng salarin. Binansagan nila etong Cleptopatra.  Hanggang ngayon ay umaatake pa din sya paminsan-minsan. Kaya sa mga mahal kong blockmate. Ibigay niyo na lang sa akin ang pera niyo. Haha. Atleast alam niyo na sa akin napunta imbes na kay Cleptopatra. Di ba? Di ba? Bigo man kami mahuli sya sa akto mismo. Marami na din ang nakakapagpatunay na sya. Ibidensya na lang talaga ang kulang at bibingo na sya sa lotto.

 

At ikaw Cleptopatra! Ha! Kung nagbabalak ka na ako ang sunod mong biktima. Hmp! Wala kang mapapala sa akin. Malas mo at inaagiw na yung pitaka ko. Ni-singkong duling wala ako. Oh anu laban ka? Haha.