Hmm hindi naman aktwali date kung iisipin niyo. Napilitan Inaya ko lang siya kumaen sa SAISAKI after ng midterms ko. Meron kasi akong utang na treat sa kanya nung disyembre pa (Pinahamak ako ni Kapatid. Hay Kaloka!) at lalung napatindi pa dahil nung birthday ko hindi ko siya naaya sa bahay (Pinahamak naman ako ni Ermats sa pagkakataon na ito. Meron pa kasing pasurprise-surprise na nalalaman di ko tuloy naimbita. Hmp!). At kung mamalasin Nung tinanung ko siya kung saan niya gustong kumaen e dun niya napili. Haruy. Halos himatayin ako. Yan ang epekto kapag nagtatanung at hindi pinapagana ang kat-u sa mga ganitong pagkakataon. Aba. Naisahan ako at dun pa. Hay di bale para naman makabawi din ako sa kanya. At dahil hindi naman ako mayaman na tulad niya, ngayon pa lang ako nakapag-ipon para itreat siya. How beggar. Ang Loser Haha. Balak ko din kasi siya kausapin ng seryosohan tungkol sa isang bagay at bayaran ang mga utang ko sa kanya ng mabura sa naiburda na bato ang utang ko sa kanya baka magkainteres pa kasi. Mahirap na. Mababaon lang ako sa utang.