Si HB naging galante sa akin POR DA PERS TYM! As in. Sa tagal na naming magkakilala simula heyskul, nung nagkasama kami nung isang araw ko lang naramdaman na galante eton mokong. Wowowee! Talaga nung halos lahat siya gumastos. Sa pagkaen at pamasahe. Aba! Aba! Nga naman talaga. Bakit ngayon mo lang nilabas yan ugaling yan. Buti na lang at hindi pa huli ang lahat at sa wakas nabasbasan mo ko niyan. Sana maulit muli. Yay! Kanta? Hay! Hindi ko lang talaga kineri yung date gala namin. Haha.

Nagpunta kami sa St. Francis Square kasi kelangan ko bumili ng piniratang dvd dahil nautusan ako ni kapatid. Naglibot-libot kami. Naisipan naming na magmala-mall hopping. Ang kateee kasi ng paa nun ni HB e. Haha. Kaya mula St. Francis Square nagtungo sa Robinson Galleria at hanggang umabot sa Gateway. At nung pauwi sumaglit pa sa Starmall. Ayos lang naman sa akin kasi minsan lang kami magbonding nito tska siya yung gagastos dahil usapan namin yun. Haha. Oh di ba? Bongga ang lola mo!

Lagpas alas nuebe na kami nakauwi. Masaya yung bonding kasi kung anu-ano napagusapan. Nagkukulitan. At todo tablahan oh di ba ang sweet namin! Kulang na lang e magsuntukan kami kapag naaasar na sa tablahan.