Kahapon pagkatapos ng nakakaantok na subject naming sa Nutrisyon nalibre ako na kaen. At bakit? Aba! Syempre naman no’ pinagdiwang yung kaarawan ni Puso. Eksyuli, noong Enero 13 talaga yung kaarawan niya pero kahapon naicelebrate. Akalain niyo yun labinwalong taong gulang na siya. Haha.

Sino nga ba si Puso?

Si Puso naging kaklase ko siya simula pa lang nung unang taon namin sa kolehiyo at hanggang ngayon. Kasawa no? Haha. E bakit Puso? Hmm mahilig kasi siya mga bagay na hugis puso at kulay pink, magenta, eklat eklat. Mababaw lang siya kaya tawa ng tawa lang. Matalino. Sobrang payat. Madalas kasama si Maan. Walang mintis etong dalawa na magpaikot-ikot sa kampus. Parang mga kiti-kiti. At higit sa lahat madalas maiwan ni Puso ang common sense. Kaya minsan nakakaaliw siya pagtripan. Haha.

Kaganapan sa bahay nila Puso

Nakakaaliw yung nanay ni Puso. Ang daldal tulad din niya. Mukhang good mood talaga siya kasi hindi istrikto. Tsaka behave din naman kame nung andun kaya siguro. Ang wish niya kay puso. “Wala munang lalake. Wag magboyfriend. Bawal ang boyfriend! Blah… Blah…” Haha kawawa naman si Puso. Puso! Magmadre ka na lang kaya no?

Sa bahay nila Puso ang daming pagkaen. Nalula kaming lahat. Ang sarap pa! kaya wala ng hiya-hiya. Sugod sa lamesa! Haha. Sa sobrang sarap nakadawalang balik talaga ako. Lalo na nagpagutom talaga ako. Gusto niyo malaman kung anu-ano nilamon ko? Ha! dalawa apat na piraso lang naman na hita ng manok, dalawang cup ng kanin, dalawang servings ng sweet and spicy, isa dalawang istik ng barbeque, tatlong baso ng coke, isang baso ng tubig, isang baso ng salad at isang slice lang naman ng keyk. Pakiramdam ko meron bulate anaconda na kumawala sa loob ng tiyan ko ng mga oras n yun. Ambangis!

Habang ang iba e busy makipagdaldalan na naman. Ako din busy! Haha. Manuod ng Wall-E. Ankyut kasi. Nakakaaliw. Nakakakilig din pala yung palabas na yun. Akalain niyo yun nainlab ang parehas robot. Ay kaloka! Haha. Ang landi kasi ni Wall-E at Eve. Sayang nga lang at hindi naming natapos kasi kailangan na naming bumalik sa PE Class.

MULI GUSTO KONG BATIIN NG MALIGAYANG KAARAWAN SAYO ROA! ANG TANDA MO NA! HAHA.