Kagabi hindi okay si Pilya. Malungkot siya. Kaya naging malungkot din si Babuinks. Nagkaroon kasi ng problema si Pilya na hindi namalayan agad ni Babuinks. Akala kasi niya busy lang si Pilya kaya kakaiba ang mga naging reply. Yun pala meron problema kaya nagkaganun. Nagalala agad si Babuinks kung bakit. Hindi niya nalaman kung ano mismo ang ugat ng naging problema. Napanatag ng kaunti dahil sinabi ni Pilya na ‘okay naman daw’ siya kahit papaano ngunit hindi pa rin maaalis yung kaba at pagaalala ni Babuinks sa kanya.

Alam ni Babuinks na hindi talaga siya okay. Malayo sa pagiging okay siya ng mga oras na yun. Naguguluhan. Litong-lito kung ano kaya nangyari kay Pilya para magkaganun. Hindi kasi nagkaroon ng pagakakataon para maliwanagan si Babuinks sa nangyare kay Pilya. Hindi na rin naikwento ni Pilya ang mga nangyre. Mag-aantay na lang siguro si Babuinks sa sandaling maikwekwento din sa kanya ito ni Pilya balang araw.

Ang hirap pala kapag yung taong mahalaga sayo hindi okay tapos hindi mo alam kung ano gagawin o sasabihin para maging okay siya. Wala kang ideya kahit man lang mapangiti siya.” Ang tanging nasasambit lang ni Babuinks sa kanya sana maging okay na siya. “Sana maging okay na” yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ni Babuinks. Umaasa na malalagpasan agad ni Pilya yung kalungkutan dahil ayaw ni Babuinks na nalulungkot siya. Ayaw kasi ni Babuinks na nagiging Simang (naka-‘SIMANG’OT) si Pilya.

Ngayong umaga naging ‘okay na’ kahit papaano si Pilya. Nabawasan ang pagaalala na bumabagabag kay Babuinks. Napasaya si Pilya ng mga chikitings na nakasama niya. Ang lungkot na nararamdaman ni Pilya ay napalitan ng tuwa at pagkaaliw sa mga bibong bata. Nabigyan ng rason upang ngumiti at tumawa si Pilya muli sa mga sandaling iyon. Kahit hindi nasasaksihan ni Babuinks alam at ramdam niya na nabawasan ang lungkot ni Pilya dahil sa mga makukulit na bata. Sana tuloy-tuloy na mawala yung nagpapalungkot kay Pilya. Kung kaya lang saluhin ni Babuinks ang lahat ng bagay na nagpapalungkot kay Pilya hihilingin nito na sana pwede ang pagkakataon na iyon. Kung pwede lang sana. Kung pwede lang.

Pilya wag ka ng malungkot. Magiging okay din ang lahat. Mas nanaisin ni Babuinks na lagi kang nakangiti at masayaJ