Nung nakaraang lunes ngduty kame sa komunidad. Eksyuli! Sa school lang talaga pano ba naman wala na naman ang aming pinakamamahal na CI. Kaya ayun tambay lang kame sa school. Meron pinagawa si Ms. Ganda na lang para naman hindi saying yung oras ng duty namin. Tama nga naman siya. Nahati yung grupo naming sa dalawa yung unang apat magdduty na lang sa clinic sa umaga. At yung natitira gawa muna ng binigay na requirements. Ang gumawa ng FNCP. Ano ba yun? Yun lang naman yung mahabang nursing care plan tulad sa ospital pero sa community set-up. Naguguluhan kayo? Oo. Isa akong NARS. Hindi pa ganap pero lapit na din. Hihi. Ilang taon na lang din naman e. Isa akong student nars kung tutuusin. Nagtataka siguro kayo bakit komunidad? Hindi ba dapat ospital ang tinutukoy ko? Sa kadahilanan na hindi lang naman sa ospital nagdduty ang mga nars. Meron din silang duty sa komunidad nila. At sa mga health centers din. Sila ang tinatawag na public health nars. At tinitrain din kames a ganitong aspeto. Oh di ba all around? Haha.

Dahil matagal ako nakapagdesisyon napunta ako sa ikalawang grupo. Kame yung magdduty sa panghapon sa clinic. Nung nagduty na kames a clinic medyo dyahe kasi pers time namin magdduty sa clinic sa school. Medyo nangangapa pa kame talaga. Buti na lang mabaet si Nars Puti at tinuruan niya kame kung anu mga dapat gawin. Nang matapos sa paglelektyur sakto meron dumating. Aba! Ang una namen pasyente. This is it! This is it! Isang estudyante mula sa elementary. Akala naming kung anu ang pinunta sa clinic yun pala dahil sa isang maliit as in super liit na sugat lang. Nakakaduling nga e sa sobrang liit. Hindi naman niya ikamamatay yun pero dahil siguro maarte lang siya at gusto makatambay sa clinic dahil eksyus siya sa klase. Haha. Dahil trabaho naming mang-gamot oh sige gamot naman kame. Kontin eklat dito, dyan ayun tapos. Arteng bata talaga nun. Ang sama e no’. Nagdagsaan ang ilang bata pa. Meron dumating dahil sa sakit ng ulo, dysmenorrhea, sakit sa ipin, puson, baba dahil nauntog ng kaklase. Nakakatawa kasi meron batalyon na dumating akala ko meron epidemya na. Tas malalaman ko sa limang dumating isa lang pala talaga meron sakit. Anu ba yan! Moral support lang pala yung iba. Ayos!

Masaya sa clinic kasi wala masyadong ginagawa. Mababaw lang naman kasi yung mga kaso nila. Buti nga e hindi uso dun yung tipong ‘dying na’. Haha. Kaya kwentohan muna tas text galore kapag walang dumadating na mga chikitings na gusto lang lumiban sa klase nila. Nung bandang alas-dos ng hapon. Pinull-out kame sa clinic dahil kame na lang magffeeding program. Yung feeding program ito ay pakana ng iskul. Dun kame nagpapakaen sa katapat na iskwelahan din. Nasasakop dito yung mga batang mukha ng bangkay sa kapayatan. Parang baboy na pinapataba sila para lumusog naman. Masaya makita yung mga batang ganado kumaen. At kaasar yung mga batang hindi inuubos yung servings na binigay sa kanila. Anu ba! Hindi ba nila alam na madaming bata na nagugutom tulad ko!. Minsan kasi madame nababalik na pagkaen. Nakakapanghinayang lang talaga. Di ba?

Masaya sa community magduty minsan kasi dun ka matututo talaga. Kung panu makihalubilo sa tao. Meron dyan hindi ka paniniwalaan kapag naghhealth teaching ka na. Am I a joke? Sus. Ubusan ng pasensya talaga. Madaming ubod ng kulit! Ang tanda na nila pero tinalo pa mga bata. Baliktad na ata mundo ngayon. Pero kahit chaotic sa community dito makikita ang realidad. Eto ang totoo. Walang kamera. Walang mala-showbiz. Walang halong pagpapanggap. Kung ano nakikita mo yun na yun. Walang deleted scenes kapag panget. Walang direktor. Sila ang bida dun at ganun talaga ang takbo ng buhay nila.