Libro: Para kay B

Awtor: Ricky Lee *Antaruj!*

[MPOV: ang libro na ito ay naglalaman ng mga senswal na bagay kaya sa mga pa-virgin epeks pa din wag niyo na lang basahin dahil baka hindi niyo kayanin. Haha. Sa mga tulad ko na malilikot ang utak. Go! Lang. Tiyak na maliligayahan kayo. 110% guarantee.]

Itong librong eto ay nakuha ko nung pasko. Salamat kay pilya! Siya kasi nagregalo sa akin. Ayii kinilig ako nun. Kwento ko muna ang nakaraan okay? Bago ko eto matanggap nakita ko na eto sa NBS. Nung mga panahon na yun kasi naghahanap ako ng pangreregalo bilang exchange-gift sa Christmas party sa school. Dahil kilala ko naman yung nabunot ko meron na akong maraming ideya kung ano man ang gusto niya. Bakit? Close ba kayo? –Pwede ng sabihin na medyo close nga kame. Panu ba naman lage kaming nagaasaran kapag nagkikita e. Ungas yun e kaya kelangan ko din gumanti no’. Aba! Hindi ata ako magpapadehado no’ kung legal lang talaga pumaslang una na siya sa listahan ko. Naisipan ko siya regaluhan na lang ng libro dahil mahilig din naman siya magbasa. Habang naghahanap na-attract ako sa kulay mala-rosas na cover na libro na nagngangalang ‘Para kay B’. Na-curious ako sa titulo nito. Bakit sa dami ng pedeng gamitin yun pa at sino nga ba si B?. Ang dami talaga lumilikot at kumikiliti na sa utak ko. Halos mawala ako sa tamang pagkatao at muntikan ng pumasok sa pinto ng ibang dimensyon. Pero dahil hindi na sapat ang pera ko. Hinimas-himas ko muna at nilasap ang kinis ng balat nito bago ako nagpaalam at binitawan ang mga katagang ‘I shall return’. O di ba antaray ng lola mo mala-Mcarthur ang dating di ba? Wala akong pinagsabihan nun pero mukhang parehas nga kami ng libog takbo ng utak ni pilya dahil gusto din pala niya yun. Kahit gusto niya naisipan pa din na iregalo sa akin. Di ba ambaet ni pilya? kaya mahal ko yan e. Wag ka muna sana kunin sa Itaas sa sobrang baet mo pilya pagtiisan mo muna ako. Dito ka muna sa piling ko ah dami ko pang gustong libro ibibili ireregalo mo pa yung mga yun. Haha. Joke lang bati tayo ah. Matapos ko mabasa syempre dahil mahal ko si pilya pinahiram ko agad sa kanya.

Anung masasabi mo sa libro?

Habang binabasa ko yung libro ganadong-ganado ako. Heto pa tumatakbo sa isip ko ‘Oh yes! Finally baby your mine. All mine. Mine mine only! ’. Sobrang sakim no’ haha. Tulad ng iniexpect ko .Naglalaman din ito ng mga bagay na hindi pambata. As in. Inuulit ko hindi pambata at isip bata. Ang paraan ng pagkakadescribe sa mga eksena e talagang mag-uusok ka. Lalabas ang mga pawis sa iyong katawan. Mag-iinit at magliliyab ka sa hindi mapigilan paglibog pagkaaliw. Oh yeah! Burn baby burn. Bawat salita umaalingawngaw sa buong pagkatao mo. Oo tama yan naiisip mo. Ganun na nga ang libro. Pero anung pinagkaiba nito sa iba? –Dahil meron kang aral na matutunan dito. Hindi lang puro makamundong aliw ang nilalaman nito. Tumatalakay din ito ng tungkol sa pag-ibig. Sabi dito meron quota ang pag-ibig sa limang umiibig isa lang ang tunay na sasaya. Naniniwala ka ba? –Hmm mahirap na tanong yan pero meron bahagi sa akin na naniniwala dito meron din hindi. Marami etong laman na makakapagisip ka talaga dahil hindi lang naman eto tumatalakay sa normal na pag-iibigan. Nakapaloob din dito ang mga maling pag-ibig kung ang pagbabatayan e ang komunidad. Tulad ng pag-iibigan ng magkapatid at pag-iibigan sa kapwa babae o lalake. Masama ba na sinunod lang nila ang silakbo ng damdamin? Kung tutuusin kahit anung gawin mong pagtuturo dito kung ano ang mali sa tama e pinagpapatuloy pa rin nito at hindi kayang limutin? Meron parte sa pagkatao mo na mababago dahil kahit sa akin meron nagbago. Ang aking pananaw at pagtanggap sa ganitong uri ng sitwasyon. Hindi man sa akin mismong estado kundi mas malalim na pagkaintindi sa ibang indibidwal na kilala kong dumadanas sa ganitong sitwasyon.

[Kaya sa mahihilig magbasa inirerekomenda ko etong libro na eto sa inyo. Lalo na kay Monakiki! Masyado kang makamundo, bawasan mo naman. Haha. Two-thumbs up! Kasama pa yung mga daliri sa paa. Haha]