Dahil kabuwanan na ng Enero ngayon nalalapit na ang aking araw ng pagkasilang. Uy pa-deep epek pa ang loka. Anyhoots, ayun napag-usapan naming ni pilya sa text kung anung balak ko. Ang ganda ng balak ko. Ang hindi mag-celebrate ng kabuwanan kapanganakan ko oh diba. Ewan ko. Pero kasi alam niyo yung pakiramdam na naiisp mo na malapit na pero hindi ka man lang nagtatalon, bumubuga ng apoy, naglalakad sa mga pako sa excitement tas hindi mo man lang maramdaman na humagawagayway yung buntot mo. Epekto na ba eto ng katandaan? Hindi pa naman ako ganun katanda e kung tutuusin nasa teens pa naman ako no’. Ngunit – subalit – datapwat! Eto na ang huli kong teenyears huhu saklap naman dati sanggol lang ako e “da di do du” lang alam ko. Ngayon “%^*&(*+” at ‘Ma’ pahingi ng pera’, ‘Ma bili mo ko nun tsaka yun pa o’. Minsan Madalas siguro nagsisi Inay ko bakit pa niya naisipan ako iluwal. Emo? -Nah! Mahal na mahal ako nun ni Inay e haha. Lawl. Balik tayo kay pilya ayun sabi niya paliligayahin daw niyo ako? ISANG MALAKING SOWS! haha ewan ko kung ano balak niya pero hinayaan ko na din siya kung ano man magiging plano niya. Text text pa ng konti BOOM! Tinulugan ako. Pagkatapos ng lahat ginamit mo lang pala ako? *Ngawa* Ayos no’ haha hinayaan ko na lang di bale pinapatulog ko na din naman siya nun kasi late na din. Iwan na natin ang usapan tungkol kay pilya kasi tinulugan ako. HMP! AMP! GRRrrr *Kunyari nagtatampururot ako*. Nagisip-isip pa muna ako bago natulog. Can’t get over ako sa sarili ko e. Baliw nga talaga ako. Malay natin baka mag-iba ihip at makalanghap ako ng utot hangin at magbago isip ko. Ayii inuuto ko na naman sarili ko nito.

[Update ko na lang kayo kung anung mangyayare pagdumating na yung araw nay un.]