Eksena002: Marami na nangyare sa kanila. Oo madami kaya wag na malikot utak. Yun na yun. Sabi niya. Dahil sa pagiging selosa at praning mukhang nasakal sa pagibig kaya nakipaghiwalay yung isa. Masyado siguro naging dependent kaya nasakal. Tipong dapat nagpapaalam ka kung saan papunta. Sino kasama mo. Tumatae ka ba? *Watda!* Pati nanahimik mong magulang kinukulet. Wala ng space. Nakakasakal. At malaki ang kanyang pagkakamali dahil dun.

[MPOV ko dati:]

Sino ba naman ang hindi aayaw kung ganun na yung relasyon. Hindi na healthy kasi. Tama si isa na nakipaghiwalay na lang kung ganun na din naman di ba? Tsaka hindi din ako sang-ayon kung totoo man na marami ng nangyare sa kanila. Hindi ito dapat. Parehas alam nilang mali pero ginagawa pa din no’ e kung hindi lang talaga matitigas yung bungo talaga. Mahirap yung kapag naisubo mo na tas illuwa mo pa dahil napaso ka. Kapag umabot ka na sa puntong yun wala ng balikan. Perwisyo kung perwisyo na. Lage talaga nasa huli yung pagsisisi di ba? At kapag tapos na ang lahat huwag ng ipagpilitan pa ang sarili. Ikaw mismo ang nagbibigay lang ng sakit sa sarili mo. Nagiging masokista ka lang. Sabi nga ng isang CI namin ‘Ako nagsasalita ako in behalf sa mga lalaki, ganun talaga kapag ayaw na. Ayaw na talaga. Kahit na ipagpilitan mo pa ang sarili mo. It’s already been decided. End is end. Alam ko yan kasi lalaki din ako.’

[MPOV ko ngayon:]

Ganun pa din at walang pinagbago sa dati. Nadagdagan lang. Ganun nga siguro talaga mga lalaki kung ano man yun na yun basta ayaw na talaga.