Matagal-tagal ko na din naiisip ang pag-ibig. Naks! Akalain mo yun nagiisip din pala ako. Pero hindi sa naghahanap ako. Hindi sa ngayon yan ang masisigurado ko sa inyo baka lilipas pa muna ang ilang taon pa. *Ows?* Hindi naman bato ang puso ko para itanggi, nagmahal na din ako. Yun nga lang hindi sa ganun level. Mala-chubachuchu lang kung iisipin mababaw lang kaya wala pa akong ganun kalalim na karanasan. Naiisip ko lang yung mga naging sitwasyon ng mga kaibigan ko pagdating sa pag-ibig. Mga naging karanasan nila sa paglipad at pagsabay sa daloy ng pag-ibig. Merong matatamis pero kadalasan sa kanila ang inaakala na happily ever after ay nauuwe pa din sa hiwalayan at sakit.

Esksena001: Bakit ganun okay naman sila. Kahit ako wala naman nakikitang problema tas bigla na lang malalaman ko hindi okay. Dapat itigil na. Walang third party. Walang away na nangyare. Hindi dahil hindi na mahal. Basta na lang napagdesisyonan niya na dapat tapusin. Dapat maghiwalay. At yun na yun. Wala ng mababago dun.

[MPOV ko dati:]

Hindi ko din maintindihan eto. Bakit bigla na lang nangayayare yung ganun. I mean bigla na lang magdedecide ng basta tas hindi ka mabigyan ng matinong rason. Ewan ko pero para sa akin mas madaling makaget-over sa isang relationship kung yung rason e ‘merong third-party’, ‘ayaw ng parents ko sayo baho mo kasi’, ‘ayoko na sayo nakakasawa ka na’, ‘pasensya nabulag ako panget ka pala talaga’ yung mga solid na sagot hindi yung bibigyan ka ng rason na ‘hindi naman sa hindi kita mahal pero mas makakabuti eto. Mahal kita kaya gagawin ko ito.’ Haler? Di ba? Mahal mo ko tas iiwan mo? E sinto-sinto ka pala din e. Ipasok kaya kita ng mental baka mahimasmasan ka! Sino nagsabi ikaw lang pedeng magdecide ‘what for the best and for the future’ di ba? Lawl.

[MPOV ko ngayon:]

Eto yung mga bagay na kahit ang lagnaw ng rason e mas solid pa kapag napagdesisyonan na. Eto yung tipong E.T hindi maipaliwanag pero alam mo kung ano yun pero hindi sapat ang mga salita para mabigyan ng anyo. At oo meron talagang ganito. Mahirap lang talaga tanggapin na ginawa mo ang lahat. Akala mo okay na lahat pero hindi pala. Tipong nalinlang ka sa mga nakikita mo. Sa nararamdaman mo. Hindi pala okay. Hindi ko din alam kung anong mga bagay o pangyayare ang pedeng magtrigger dito. Siguro nasaktan mo siya ng hindi mo alam o sinasadya. Nagkamali ka ba. Hindi kayo parehas ng priority sa buhay etc etc. Madaming pedeng maging factor kaya nahahantong sa ganito pero isa lang masisigurado ko habang napagdedesisyonan niya yun meron pa ring pagmamahal. Naging sakim lang siya at tingin niya na mas okay yung ganun. Mahirap tanggapin noh? Pero anu pa ba ang magagawa di ba? Kelangan magmove-on kahit masakit. Hindi natin dapat ipagpilitan ang ating sarili. Unfair yun. Swerte kung mahal mo pa din at bumalik siya. Happy ending panigurado. Pero kung huli na ang lahat ng kanyang pagkabagok, Well oh well! sorry na lang. Ngayon at babalik ka pa, Ha! Wala ka ng babalikan. Ugok ka! Ambitter. Haha.

[Okay payn. Guilty ako dito bias ako e. Haha. Kahit parehas ko sila kaibigan. Halata naman saan ako pumapanig e.]