Lumipas yung pasko. Okay nemen! Namigay ng regalo. Nakatanggap ng regalo. Gumala tas kumaen at kumaen ng kumaen. At higit sa lahat magtago sa aking mga inaanak haha ambaet kong ninang no’. Masaya pero kakaiba yung pasko ko ngayon. Hindi naman sa emo akong tao pero kakaiba kasi wala na talaga masyadong paputok tas madalas mo na lang makita yung mga palamuti sa malls na lang. As in! Kahit nga sa bahaykubo naming bahay e wala masyadong nakasabit siguro sa hirap na din ng buhay ngayon at hindi lang ako ang nakakaranas nun kundi ang lahat! Tama mandamay ng iba para hindi nag-iisa haha. Whatda!

Ambilis lumipad ng pera no’ Tipong yung isang daan na pinagkakasya ko para sa mga reregaluhan ko kahit anong tipid ayun babye na huhu hindi ko man lang nakapiling ng kay tagal. O pera ko asan ka man ngayon? Naalala pa rin kita kahit saglit lang tayo nagkasama. Hay! Hindi naman sa mukha akong pera at hayok sa pera pero sa buhay ngayon mahirap na kumita ng pera tsaka estudyante pa lang ako no’ at hindi naman ako nagpapart-time job dahil tamad akong tao at mahihirapan akong mag-aral lalo na naguumpisa na magkaroon ako ng mga majors (Akala mo naman totoo. SOWS! ka talaga). Kaya ang tanging paraan ko lang e magtipid *Etchusa!*. Lawl.

Kahit ano pa mangyare sa Pilipinas. Tumangkad man si Pangulo at pumuti man si Obam ang hindi magbabago sa Pinoy talaga e kahit walang-wala na meron at meron pa rin inihahanda sa hapag-kainan. Db db? Tama naman ako e haha ganyan talaga kapag Pinoy e no’. Ayun so lamon dito, lamon dun kung san mapadpad e basta mahalaga kumakaen pagkatapos e matulog o diba parang baboy lang haha.

Sana hindi magbago ang ganitong tradisyon no’ para lahat tayo maseye! Oh yeah! Haha.