Sa hindi ko mawaring kadahilanan gusto ko na uli magblog. Siguro kasi naengganyo ako uli. So meron ng rason at alam mo nga kung ano yun (SOWS! ka talaga kahit kelan). Payn! payn! Nagbabasa na kasi ako uli ng blogs ng iba. Pahop-hop lang. Lurker kung sa depinisyon ng iba. Minsan naman kapag sinipag nag-iiwan ako ng ‘bluesclues’ lalo na kung kakilala ko naman yung blogger. *Close ba baya* Gusto ko ipagpatuloy yung naiwan kong blog sa FS tsaka sa multiply. Curious ka no’ kung anu account ko dun? Kulitin mo muna ako haha beh! Pero ewan ko. Ayoko -na gusto din. Gulo ko no’ kaya naisipan ko ng magumpisa na lang sa ibang site at eto na nga yun. Hindi naman ako nahirapan mag-adjust kasi mahilig ako kumalikot ng kung anu-anu. Hihi. Tsaka kung hindi niyo naitatanung madaldal ako pagdating dito. Ibang usapan na nga lang kapag personal, mas malulukring ka sa akin.

Pahabol:

Sa mga hindi pa nakakaalam at heto ipaalam ko na sa inyo. Kung napapansin niyo sa gawi ng aking pananalita. Opo totoo ang inyong naiisip ako po ay isang bakla babae. Sa isip, salita at gawa trulaloo ako po ay isang kaladkarin dalagang pilipina. Naks naman! Haha. Ayan unti-unti ko ng hinunubad ang saplot. Dahan-dahan para naman e ganahan kayo. Tipong appetizer grrrr nakakatakam. Haha.