So bago ko simulan etong blog na to’ gusto kong batiin ang lahat ng Merry Christmas and Happy New Year!

Ayun. Paano ka nga ba uumpisahan to’ siguro mas maganda kung magpapakilala muna ako. Ako ay ako at ikaw ay ikaw. Marami sa nakakakilala sa akin sinasabi sa umpisa daw suplada daw ako. Siguro nga. Pero ewan ko hindi naman, kasi ako yung tipo ng tao na makulit sa umpisa tipong nasa loob nga daw ang libog kulo sa kaloob-looban ng aking tabachingching na katawan. Anu pa ba? Hmm sabi nila maganda cute! daw ako lalo na ngayon kasi mas maiksi na yung buhok ko haha. Anyway – highway – floodway! tama na nga eton panguuto ko sa sarili ko basta makikilala niyo din ako. Kung ano man ako. Kung sino man ako. Kayo na manghusga. Bahala kayo sa sarili niyo!*hinga* Pero don’t cha worry! Unti-unti ko naman huhubaran ang aking katawan pagkatao kaya easy lang. Di ba nga mas masarap yung mabagal pero unti-unti mo naman malalasap ang bawat aspeto ng aking pagkato *kindat*

Nga pala bago na yung balayblog ko at eto nga yun. Paki niyo? Angas e no’ dati na talaga ako nagbablog. Yung ibang entries makikita niyo sa FS ko. Uy, gusto niya i-add ako haha. Lawl!. Pero wag na. inaamag na yun at mapaghahalataang trying hard ako maging slang at porendyer speaking, mali-mali naman grammar. Oy may gesh! Kaya wag na okay? haha. Impake. At tsadang! Dito na ako maninirahan. Bagong taon naman e kaya bagong buhay!

Ayun. Pansin niyo ba bilis ng panahon tsk. Parang natulog lang ako lumipas na yung pasko at bagong taon at sa lunes e lalanghap na naman tayo ng pollution ng Maynila. Papabanguhan ng amoy ng basura at kung sinuswerte ka naman e makakatapak ka pa ng deadly landmine. Hay buhay nga naman diba, sarap maglaslas este mabuhay ng bonggan-bongga. Sa Lunes balik na naman sa dating gawi. Hay naku! Anu naman kayang kabalastugan gagawin ko haha. So eto’ na muna para sa aking PINAKAUNANG BLOG ENTRY sa BAGONG BALAYBLOG ko. Walang kwenta no’. Sa susunod na yung meron kwenta ah’ utang na muna haha ilista mo sa bato.