Category: Adventures


Oo. Mukha akong pera. Madami kasi akong gusto sa buhay. Gusto ko magkakotse yung VOLVO o kea BMW (Charing!), magkabahay yung tipong kahit man lang meron limang palapag sa laki (Parang mall?), matour buong mundo, makatulong sa mahihirap (Ows?) Haha. Basta madami talaga. Di natin maipagkakaila na pera talaga nagpapaikot na ng mundo ngayon. Nakakamatay kapag walang pera. As in literal talaga.

Meron kasi sa akin nag-alok para magkapera. Fast money- fast earning daw. Eto naman si lokaloka e di todo interesado. Syempre nagpapakapraktikal lang naman ako no’ HALOOO! Sino ba naman ayaw magkapera. Di ba? Sa loob lang daw ng ilang buwan baka magkakotse na daw ako. Akalain niyo yun oh dib a ang galling nila mang-uto. Heto ang ekek nila: Para kasi silang networking na mala buy-sell products ng pagpapaganda. Kung ayaw mo magbenta ng produkto dahil mapride ka sa kagandahan mo at hindi mo maatim na magmukha kang tindera e di magpasok ka na lang ng miyembro kasi meron porsyento kang makukuha kada meron kang maipapasok na bagong member. Ganun kadali. Kada meron kang maipapasok e di kumikita ka na sa kanila.
Hindi lang yan meron ka din 1year guarantee na death insurance kaya kung matitigok ka sa taon na bagong sali ka aba neng! yaman mo meron 150k yung magulang mo o kung sino man buhay na makakatanggap nun. Dagdag pa dyan na kada pupunta ka dun madami kang makakakilala na tao yung mga top-grossers, kapwa estudyante din na taga-ibang eskwelahan, madaming kelots at bebots depende sa type mo, mga umaasa din na yumaman at makaraos. Mapapatunayan ko yan kasi nakapunta at naranasan ko yan nung nainvite ako. Aba! Ang ganda ng offer di ba? Syets! Yayaman ako agad dame pa benefits. Dame papable dun tas nalilibre pa yung gimik ng mga bigboss. Tatanggi ka pa ba? Pero kalaunan hindi ako sumali. Baket? At ang tanga ko naman na hindi sumali? Sinasampal na sa akin yung pwede ko ikayaman tapos aayaw pa ako?

Kung bobo tawag dun. Okay payn. Sabihin na natin mukha akong pera at atat na atat na yumaman pero hindi sa ganun paraan balak ko yumaman. Nakita ko ang side-effects nun sa mga kakilala ko. Meron iba nagbenta at nagsanla pa ng gamit para lang makasali. Mas nabubuhos nila oras nila magpunta dun para sa mga invite at malaking chance na sumali. Napabayaan nila yung pag-aaral nila. Sa pagaasam na kumita at magkapera dun umikot mundo nila. Tuluyan na silang nabulag nito. Hindi ako sumali dahil sa pride (Ehem) Okay payn. Oo. Dahil na din sa pride. Hindi ko makita sarili ko na nagtitinda ng produkto na pampaganda tulad ng gluthatione o kung anung anik-anik. Ni hindi nga ako naniniwala dun at nakalabel na nga na NO THERAPEUTIC CLAIMS tas magbebenta pa ako. Heler! As if. Nagmamaganda ako. Tsaka sa seryosong rason na hindi ko kayang maatim na makita na namomroblema yung isasali ko para makapagbayad lang ng membership fee.

Mahal para sa mga estudyante na tulad ko ang pagsali 7,300php. Takte! Yan di ba? Hikaos na nga halos magulang tas gugulangan mo pa ng ganun kalaki. Lage nilang sinasabi “basta gusto talaga meron paraan pero kapag ayaw meron dahilan” Aba! At nangongonsensya pa. Buti pa kung natatae yung pera hindi na siguro ako lalabas ng banyo. Nung nakaattend nga ako e halos mabaliw ako kakaisip lang dun. Pano magpproduce ng pera ng isang bagsakan. Ayoko mangistorbo ng tao kaya hindi ako mangungutang sabe ko sa sarili ko. Wala naman akong pwedeng isangla. Baon lang talaga makakapitan ko. Pero aabutin ng apat na buwan. E ang trend pa naman dun pabilisan kasi mauubusan ka ng maiinvite. Lalu na target nila halos estudyante dahil andun yung desire na magkapera sino bang hindi. Pinagisipan ko talaga ng mabuti. Hindi ko kaya makita yung mga downlines ko ng ganito baka mabaliw sila. Ayoko din umabot sa punto na mapahamak sila dahil sa akin. Ayoko sila pagkakitaan. Yun ang mga rason ko kaya hindi ako sumali.
Panu kung hindi sila kumita tas ako napagkakitaan ko na sila. E di parang ginamet ko lang sila na paen para magkapera ako di ba? Di kayang dalhin ng konsensya ko kapag hindi naging maganda takbo at biglang maglaho bigla ang pangarap nila. Tsaka marami pa naman ibang paraan para magkapera e. Ayokong sumugal sa mabilisan pagpapayaman katulad ng sa kanila. Swerte yung nasa itaas dahil yayaman talaga sila at malas naman nung nasa ibaba na kung meron pa silang makukuha at maisasali.

Nakakasilaw ang pera at nakakaenganyo. Mapangahas ito kaya, kaya nito bumuo at sumira ng buhay lalo na kung pera ang mundong iniikutan at iikutan mo.

Madalas kapag papasok ako kelangan ko magantay ng ilang minuto sa may sakayan ng dyip para mapuno at lumarga na sa aming patutunguhan. Iniisip ko anu kaya din iniisip ng mga katabi ko sa dyip. Parehas kaya kame ng takbo ng iniisip. Malamang hindi. Panu ba naman ako napanuod na cartoons naiisip ko e para hindi mastress lalo na kapag alam ko malalate na ako sa kupad ko kumilos. At siguro yung iba kalibugan iniisip o tungkol sa trabaho na masesesante na sila kasi hindi maipinta mga itsura. Minsan sinusubukan ko basahin yun iniisip nila base sa itsura nila at ekspresyon ng mukha. Minsan tama naman ata hula ko. Wag na kumontra ah. Nagmamaganda kasi ako minsan. Iniisip ko yung isa ata natatae na kaya hindi mapalagay sa pagkakaupo, yung isang kalbo na lalake nagrorosaryo baka banal lang talaga o meron nagawang karumal-dumal na krimen, yung isang ale talak ng talak sarap iplaster yung bibig, yung isang estudyante nag-aaral baka meron exam o di kaya GC lang talaga ang bruha. Haha. Mga ganun bagay lang naman minsan naiisip ko. Baka nga din parehas lang kame ng ginagawa ng mga kasama ko sa dyip kada isa sa amin nanghuhula ng iniisip. Nakakabaliw no`. Pero minsan talaga masarap gawin kapag trip-trip lang pampalibas ng oras lalo na kung trapik at bwiset na bwiset ka na sa mamang drayber na kaskasero kung magdrive. Pero sa lahat ng kalokohan na naiisip ko isa lang ang tama. Na bawat isa sa amin meron patutunguhan na specific na lugar. Na lahat kame hindi magtatagal at bababa din. Sa isang pagkakataon na iyon meron kameng incommon. Lahat meron patutunguhan at bababa din sa byahe ng panahon. Maaring muling magkita muli sa mga susunod na pagsunod namin sa agos ng buhay.

Sa April 13 ipapatapon na kame sa Infanta. Required e kaya kahit pa magpumiglas ako kelangan talaga magpunta. Di bale excited naman ako kahit papaano kasi makakapunta ako dun hindi nga lang para magbakasyon pero para makatulong sa mga nakatira dun. Magpupunta ako dun para sa Immersion ng school. Kasama din eto as duty namin sa community area. Natapos na din yung orientation ko nung Sabado kaya wala na talagang atrasan. Go! Go! Na talaga eto. Sampung-araw din ang itatagal ko dun. Ang tanong magtatagal kaya ako mamuhay dun? Mahirap daw kasi buhay dun e. As in mahirap talaga. Sanay naman ako sa buhay probinsya kaya mukhang meron naman akong survival rate na 50%. Ang nakakatawa kasi karamihan sa mga kablockmates ko hindi sanay dahil buhay marangya sila. Kaya maraming nagreklamo na bawal ang gadgets o kung anung kolorete na kaartehan sa buhay na dalhin dun.

Bilib ako sa binitawan na salita ng isang CI namin. “Pupunta kayo dun para maranasan mamuhay ng tulad sa kanila makita ang pagkakaiba ng buhay niyo sa kanila. Hindi kayo pinagdadala ng anu man gamit na karangyaan dahil hindi kayo pinapunta dun para ipakita at ipagdiinan na malaki ang pinagkaiba niyo kanila. Mamumuhay kayo ng mahirap. Kakaen ng kung anu man ihahanda. Makikibagay kayo. At mawawala ang purpose niyo dun kung magdadala kayo ng kung anu-anong bagay lang dun. Andun kayo para makatulong hindi magbakasyon.” Oo nga naman yun lang ang aking nabanggit. Bangis e.

Sa mga susunod na araw magiimpake na ako. Pero sa mga oras na tinatype ko etong blog indenial pa rin ako. E kasi naman ang bilis. Hay. Hindi ko alam kung anung ieexpect dun. Sana lang makauwe pa ako ng buo at nasa katinuan. Para na din kasi akong nagsemana santa at fasting habang andun. Walang phone e di walang text. Sobrang hindi pa naman ako sanay ng hindi nagtetext. Struggle panigurado. Ang hirap kasi bitawan ng isang bagay na nakasanayan mo na tas biglang bibitawan mo ng sampung araw. Mahirap kapag biglaan e. Buti pa sana kung dahan-dahan. Pero hindi tagums! Mahirap buhay kaya walang masasarap at sinful na foods din. O di ba? San ka pa? Feeling ko nga e parang pupunta ako sa BootCamp. Excited ako magpunta pero excited din ako umuwe na. Haha. Parang adik lang. Di bale makakayan ko din yan. Sa muling pagbabalik ko.

HARUY!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.